Last night, I watched Lea Salonga’s concert at the PICC, thanks to a friend who gave me tickets to see the show. I was with a friend JoAnn, who was celebrating her nth birthday yesterday. Our tickets were for the balcony… JoAnn complained she can’t see anything. (There was no video support, even if there were 4 screens onstage.) So I texted my friend if we can transfer to other seats, preferably at the orchestra area. Luckily, there were available seats. So, at about 20 or 30 minutes into the show, we went down. We took the seats in front of my friend and Lea’s husband, Rob. I didn’t get to meet Lea, but i did get to meet her husband.
Lea was of course, excellent. Her gowns, by Rajo Laurel were resplendent. I thought the show was okay, JoAnn thought otherwise.
Naloka lang ako, kase my attention was divided because I was texting someone who was looking for an editor that minute. Siempre raket ‘yun so hinde pedeng deadmahin. (Bakit kaya kapag busy ka, saka naman may tatawag seyo? Pero pag wala ka namang ginagawa, saka namang walang tawag, ni text nga wala…don’t you just hate that?!) So, between Lea’s Broadway songs and her pop songs, I was coordinating with Ms. D. (the editor she was supposed to use backed-out at the last minute.)
After the show, my friend invited us to the VIP Lounge where we can meet and take our pics with Lea. Ayaw na sana ni JoAnn but my friend insisted. So punta kame. Actually, I wanted to go there for the cocktails. Hehehe. I was famished, so was JoAnn. While we were dining on the hors d’oeuvres, Lea saw JoAnn and greeted her. They worked together on the movie "Bakit Labis Kitang Mahal", so Lea knew her. I told JoAnn she should have her pic taken with Lea, as it was her birthday.
Eto ang classic: after we waited for about 15 (or 20) minutes for that much sought after minute to get that one shot with Lea, ayun, after the shot was taken, na-delete ng lola mo ang picture
maganda, di ba?
I arrived at my editing 1 hour late. Pero okay lang… nakita ko naman si Lea.
A friend gave me this link to his music playlist (http://cjdmuzikphyles.webs.com or was it his friend’s list? oh, whatever…) anyway, it was the 80s revisited.
(oh shut up! yeah yeah… that’s how old i am).
It’s "Square rooms" now by Al Corlery. Where were you… or more aptly, WHO were you when that song broke out? Me… ? I can’t remember exactly who i was at that time, but i certainly remember what i wanted. I wanted to get the hell out of HS/college and start living my life! (now playing "Only in My Dreams" - Debbie Gibson) Now that I am out of school, what life are you talking about? jeez…
Yes! Now it’s "Borderline". My most favorite Madonna song. The arrangement is so 80s. Madonna’s voice is squeaky pa; brings to mind her net glove and hair that was everywhere but in her hair net/bow.
"I wanna feel the heat the heat with somebody…" Whitney before the drugs and the icky "The Bodyguard" and the much abused "I Will Always Love You". Hahaha. jeez… you would think there’s no other song that people can sing other than that song. Ayoko na ha! Charice Pempengco and Madonna Decena… iba namang kanta, please… (gag!)
"Forever Your Girl" - Paula Abdul. Now this one, I’m not so familiar with. Was this a very big hit in the 80s? "Cross My Heart" - Martika. Can’t say I know this one either. "Head to Toe" - Lisa Lisa & Cult Jam.
This one I remember.
It’s 6:25AM na. Tulog muna ako. Yes, Virginia, there is a person like me. I am no Santa… Dracula, baka pa.
In 1998, I moved to Marikina. It was an improvement to my hometown, San Andres, Manila because believe it or not, malamig sa Marikina. At malinis pa. Thanks to Bayani Fernando and his spouse.
Last year, I moved back to San Andres (for the meantime). Ang weird ng feeling kse ibang-iba na ang San Andres. Parang in a short time, ang daming nagbago. Nag-senti tuloy ako…. dun kaya ako lumaki.
Nagulat nga ako kase nakita ko pa yung jeepney driver na nung bata ako e sya na ang jeepney driver nung jeep na madalas kung masakyan papuntang school, sa Paco. Maputi na ang buhok nya ngayon. Gusto ko ngang kalabitin siya minsan at sabihin na, manong, lam mo ba, bata pa lang ako e sumasakay na ko sa jeep mo. Eto pa ba yung jeep mo nun?
over na siguro yun…
Tapos, yung karinderia (sa kanto ng Rubi at Augusto Francisco) na nakikita kong kinakainan ng maraming taxi at jeepney drivers noon e, hanggang ngayon e buhay pa. Ngayon, kumakain na ko dun. Nde na kase ako nakakaluto sa bahay. At tama sila. Masarap nga ang luto dun, mura pa. AT ilokano ung may-ari. Nakakatuwa ngang pakinggan pag nag-iilokano sya at yung mga kustomers.
Yung puno ng akasya dun sa tapat ng apartment namin, pinutol na nila.
e that was the only beautiful thing on that street.
Yung bakery sa malapit sa Topacio, buhay pren. Yun nga lang, nde na masarap ang pandesal nila, lumiit pa. Sabagay, lahat naman yata e lumiit at nagmahal.
Ang dami nang commercial spaces dun sa San Andres ngayon. Tapos, lahat ng oras, may jeep na dumadaan. Nde tulad dati na pag-alas dose ng tanghali, walang jeep o sasakyan masyado na nagdadaan. Tapos pagdating ng alas-nuwebe, kaunti na lang ang sasakyan. Ngayon, 9pm na, mejo traffic pa nang konti dun.
I will leave San Andres again…this year. Pagbalik ko, iba na uli ang itsura nya. Sana mas maganda sya pagbalik ko.
A LOVE STORY
May persona ingrata from my alma mother who asked for my number so we can
keep intact. Sabi ko connect me if I’m wrong, but are you asking me
ouch?
Sabi nya: the?!!
I mean, tell me to the marines ang kapal! The nerd! Naiyak ako sa galit,
I cried buckles of tears.
Tapos sabi nya: don’t cry. Isipin mo na lang this is a blessing in the
sky. Irregardless of my feelings let’s go out na rin.
Now we’re in love. Mute in epidemic na yang past. Thanks god we
swallowed our fried. Kasi I’m 33 na and I’m running our time. After 2
weeks, he asked me will you marriage me? Hay, talagang when it rains
it’s four. This is true good to be true! Love is a many splendor at
kahit di sya gaanong cute, beauty is in the eyes naman di ba? Sabi niya:
like twice.
Kaya advise ko sa inyo take the risk, just burn the bridge when you get
there. Life is shorts. If you make a mistake, we’ll just pray for the
external repose of your soul! I second emotion.
Got this from my eGroup.
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America.
Akala nila masarap ang buhay dito sa America. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance , bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disney, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin, ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P 40.00, sa
America $6.50, ang upa mo sa bahay na P 10,000 sa pilipinas, sa America
$1,000++.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo.
Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang
bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Madaming naghahangad na makarating sa America. Lalo na mga nurses, mahirap
maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America. Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.
it’s raining today. looks like rain tomorrow… i wish it would rain tomorrow…i like it when it rains. everything looks different when they’re drenched. they look more real. more there there…
i wish it would rain tomorrow.
i wish…
nakakabagot ang buhay ko ngayon…sana manalo na ko sa lotto para makapunta na ko sa new york at mapanood ko ang "les miserables" (kung meron pang run)
AYOKO NA ! ! !
Pain. You have to ride it out, hope it goes away on its own. Hope the wound that caused it heals. There are no solutions, no easy answers. You just breathe deep and wait for it to subside. Most of the time, pain can be managed. But sometimes the pain gets you when you least expect it. Hits way below the belt and doesn’t let up. Pain, you just have to fight through because the truth is you can’t outrun it and life always makes more.
Meredith Grey
"Grey’s Anatomy"
Mukha kaming mga lasing noh. Pero nope, nde kami lashing. Hic! Hilo lang kame kay B (middle) dahil mistula syang GRO nung gabi yun (March 25) dahil palipat-lipat siya ng room sa Music 21 sa Timog. Grabeeee! Dun sa isang room, andun ang pamilya nya at mga kamag-anak, kapitbahay, ka-barangay, ka-ofcmate, kabayan, etc. etc. hehehe. Sa isang room naman andun kami ni Mel, classmate din namin nung high school. Hindi ko kinaya si Aling B…dangan kse gusto siyang makasama ng mister niya nung gabing yaon. Samantalang, pagkatapos ng gabing yun e, nde na namin makikita si B dahil lilipad na siya at ng buong pamilya niya sa Dubai para dun na magtrabaho at manirahan. Magkakasama na silang mag-asawa araw-araw, linggo-linggo, buwan-buwan, taon-taon hanggang magkakapalit na ang mga mukha nila
Pero opkors, nde naisip ng waswit ni B yun. Ang gusto niya, "dapat kasama ko si B ngayong huling gabi na namin na lalabas dito sa Manila". O di va?
Nakaka-lurky! Ang haba talaga ng buhok ng bruha! Eniwey, nde yan ang kwento ko…
Ang kwento ko ay ito: wala lang. Magpapasalamat lang ako kay B
kse di ba nga, kahit nahihilo na sya sa kakalipat ng room sa Music 21 (with matching kanta pa yan every room ha - kinaya nyo?) e ok lang siya. Kung ako yun, tinopak na ‘ko. Kaso nga si B yun kaya cool lang. Thank you, mare. Eto kaseng si Mel e, late dumating. Ang usapan po ay LUNCH, hinde meryenda, hinde dinner. At lalong hinde karaoke… hmp! Pero ok lang, enjoy naman… (ang daldal ni Mel, as in… pero sa kadaldalang yun e nde pa nya masyado naikwento ang kanyang lablayf ha - hoy Mel may utang ka pa sa ‘ming kwento ha)
B, thanks din dun sa MP3 player. Nde na nakakabaog ang commute. Natuwa si Paolo at mga kapatid nya sa Lays at sa sokoleyt. Maraming salamat daw. Buti pa daw ikaw ay nakakaalala sa kanila (unlike some other people - opo, parinig yan)
Good luck. Though alam ko na luck is already on ur side, kase imagine, in just 3 months, nakuha mo na ang pamilya mo. Mabait ka kaseng tao.
D
i bola yan.
Ang blog na ‘to ay dedicated seyo. Isa kang mabuting kaibigan…salamat. Hinde ako lashing. Hic!
Nakasakay na ba kayo sa MRT? Yung nasa EDSA, kapatid. Yung nasa Taft, LRT-1. Yung nasa Aurora Blvd., LRT-2. So alam mo na yung tinutukoy ko?
So nakasakay ka na ba sa MRT?
I have a HS classmate/friend (who’s also an actress) na first time sumakay last week sa MRT. According to her text, panalo daw. Gusto ko nga itanong kung pinagtinginan siya ng mga tao.
(Kase nga, aktres sa TV e) Anyway, mukhang nakarating naman siya at yung anak nya nang maluwalhati sa Makati. (taga-QC siya)
Panalo minsan ang MRT. Kapag nagmamadali ka, tantyado mo ang oras mo e. Kung Cubao-Makati ang route mo, mga 20 or 15 mins. nasa Ayala Station ka na. Provided hinde ka na pipila sa Cubao ng ticket mo ha. Pero kung pipila ka, good luck! Pero minsan, nakaka-lurky ang MRT.
Alam mo ba ang pet peeve ko sa MRT? Yung mga taong pilit na pumepwesto sa mga pintuan! Nakakainis, di ba? May nakasabay ako minsan na ale na sa Taft/Pasay sumakay, pumuwesto sa pintuan. From Taft to Kamuning, nakita ko kung paano siya naging isang malaking sagabal sa lahat ng sasakay at bababa mula sa car na yun. Hindi ko mapigilan ang mainis kse di ba, leche, inconvenient pra sa lahat. Eto ang panalo. Sa Kamuning pala siya bababa! Di ba nakaka-lurky. Siguro natatakot siya sa bomba. E kahit ba naman nasa pintuan ka, kung may maglalagay ng bomba sa car na yun, sorry na lang kame di ba? Aabutan pren siya…GRRRR….
Eto pa ang isang nakakainis. Alam nyo yung mga turnstiles kapag lalabas o papasok ka na sa station? Pucha, minsan tatlo lang dun ang gumagana. Kaya ang pila up to kingdom come. What are these MRT morons thinking??? Fuck talaga.
Tapos meron pa yung mga lalaking pilit sasakay sa car na designated for women and the elderly. Aba, porke’t may anak e, ipipilit nila. E sabi nga dun 4ft below ang anak mo para pde ka sa car ng mga babae. Yung isang mama na nakita ko, e mukhang teenager na yung kasama. Naka-gel pa nga yung bagets. Tama ba yon?
Tapos nagtataka sila bakit hinde umaasenso ang Pilipinas??? E simpleng rules lang hinde pa makasunod. NAKAKA-LURKY TALAGA!
Sasabihin mo, e ba’t nde na lang ako mag-taxi? E di ba nga, mas mura mag-MRT? Tsaka talaga namang mas mabilis. Basta lang ba walang hassle yung pagsakay at pagbaba mo, mabilis ang biyahe.
Dati naman, maayos ang MRT. Bakit ngayon parang it’s going to the dogs?
(My brother is not a dog…ay mali, pig pala.)